Sabado, Nobyembre 26, 2011

Certified Pupian ka kung....


  1. Pila Ulit Pila :)
  2. Kung mahaba ang vacant mo tambay sa broadway at manonood ng EAT BULAGA
  3. Kung pumapasok k ng nakatsinelas at nka walking shorts lang.. :P
  4. Kung nakapila ka na nang sobrang haba. mula cashier hanggang 6th floor.  
  5. Kapag naranasan mong sumakay ng patok na jeep….”TUNGAW” and “AMBOY” killer jeepneys
  6. Kung mas malaki pa kickback mo kesa sa tuition fee mo pag enrollment..
  7. Kung nakatikim ka na ng SUBMARINE!
  8. Kung nakakain kana ng unli lugaw
  9. Kung sanay sa announcement na suspended classes pag apak mo sa Sta. Mesa station habang papasok. 
  10. Alam mo ang great wall of china
  11. Kung na stereo-type kana as aktibista
  12. Kapag naranasan mo ng sumakay sa “buwis buhay” na trolley papuntang main campus at mag ala matrix sa paglundag dahil may sasalubong sa iyong tren. Save ur wheels, Manong! :D
  13. Kung gurumadweyt k na wala pa sa 10k ang nagastos mong pang tuition fee. IBA NA ANG ISKOLAR
  14. Kapag binabasa mo isaisa ung mga nkasabit sa catwalk papasok ng pup„, at ibubudget ang meal sa labas ng pup sa siomai with rice o shanghai hehehe
  15. May dala ka laging pamaypay
  16. Kung naranasan mo magpaxerox ng pages ng libro kasi wala ka pambili 
  17. Nalanghap mo na ang “Aroma” ng ilog pasig at oil depo combined pag nasa west at east wing ka.
  18. Kahit uhaw na uhaw ka na di ka pa rin bumibili kasi makikisipsip lang mga kasama mo sau
  19. Tambayan mo ang SM Centerpoint
  20. Kung bumibili ka ng tingi-tinging yellow paper sa Teresa, piso tatlong piraso
  21. Kabisado mong kantahin ang PUP hymn…. Sintang paaralan….
  22. Kapag naranasan mo sumakay sa pedicab o kya tryke n nkataas ang paa kasi sa taas ng baha
  23. KUNG NANGARAP KANG MAG-CHEER SA UAAP for PUP VARSITY TEAMS!
  24. Kung alam mo ung “flying saucer” na sandwich at pati ang partner nitong shake 
  25. Kung naranasan mo na mag FILL-UP ng registration card.. APAT NA ULIT mo isusulat sched mo at HAHATIIN sa apat
  26.  Kapag kina-i-inggitan ka pumasa sa PUPCET out of how many thousands of contingents!
  27. Kung lagi kng umaangal dahil kung anu-anu binebenta ng prof sa inyo
  28. Kung nakasakay ka ng ferry na baba mismo sa PUP at malalate ka dahil may sumabit na basura sa propeller
  29. Kapag lage ka sisitahin nang guard at sabihin sayo, “Asan id mo, Joy?”
  30. Kung bahagi ka ng World’s Largest Human Rainbow noong 2004 sa Luneta
  31. Kung ang mga author ng libro nyo ay ung mga prof nyo rin mismo at required kayong bumili ng books kundi may minus or plus
  32. Kung inaabangan mo ang pagdaan ni checker pra wla ng klase! hehehe!
  33. Kung nasanay ka na sa mga napakahahabang pila..pila sa clearance, pila sa registration, pila sa cashier (may dalang pamaypay dahil super pawis ka na).. maswerte ka ng matapos ang buong enrollment procedure in one day :)
  34. Iba-iba ang classmate mo dahil ireg ka.. mahirap un…
  35. Nung first time kang makakuha ng grade na flat 1 sa classcard PE pala yon
  36. Ang hindi pare-parehong schedule ng mga prof kung mgrelease ng classcards prang sine my now showing, next attraction at coming soon na sched
  37. Kung kabisado mo na ang west,north,south.east wings
  38. PUPian ka kung sa lahat ng classmate mo nung highschool ikaw lang ang afford magbayad ng tuition in full at pumili ng 10miles makabayad lang ng tuition :)
  39. Kung apektadong apektado ka pag nababalitang mag-increase tuition fee from 15pesos/unit to 200/unit
  40. Kung sanay ka na na makakita ng nag-rarally sa hallway sa oras ng klase
  41. Kung P500 lang ang dala mo kapag enrollment tapos may sukli ka pa
  42. Kung palagi kang CHAMPION sa SCUAA
  43. Kung alam mo kung saan makikita ang spaceship ng mga aliens
  44. Kapag nag aabang ka na dumaan ang PANGALAWANG CHECKER
  45. Kung ang prof nio ay absent lagi sa 1st week ng pasukan
  46. Kung HALOS MAMATAY ka na KAKAGAWA ng THESIS .. at MAUBOS ang PERA sa kakapaPHOTOCOPY ng mga LECTURES at REVIEWERS
  47. Kung hindi kasundo ang prof.. petisyon ang katapat!
  48. KUNG MERON KANG PUP ID LACE AT MGA KUNG ANIK ANIK NA BADGES SA BAG
  49. Kung nakakapasok ka kahit walang ID :)
  50. Kung makikita mung walang humpay ang datingan ng mga studyante papasok ng campus.. (d talaga yta nauubusan ng nglalakad sa khabaan ng PUP mula gate papuntang freedom park!)
  51. Kung naranasan mo na pumila sa 6th flr ng main building tapos khit 2 hours na di pa rin naandar pila dahil and daming singit sa ground flr para sa cashier!!!
  52. Kung ATAT na ATAT ka makuha ang pink card mo.
  53. Kung nalilito ka sa tuwing magpapalit ang entrance at exit ang PUP
  54. Kung makakasalubong mo ang mga prof na sila Einstein at Barbie
  55. Kung bwisit na bwisit ka sa mga officer ng ROTC
  56. Kung after class ay derecho na sa SM CENTERPOINT!
  57. KUNG NAGING WORKING STUDENT KA
  58. Kung nakatambay ka na sa Kawayan, Chapel, Linear Park, Lagoon at Unyon
  59. Kung malalaki muscles mo sa binti dahil sa layo ng nilalakad mo tapos ang first subject mo sa 6th flr.
  60. Ang ID mo ay good for 4 years
  61. Kung naranasan mu ang sobrang MAGPAWIS sa CANTEEN ng EAST WING .. what we called “THE HELL CANTEEN”
  62. Nakabili ka ng 400php na practice set pero muka namang pambalot ng tinapa
  63. Kapag mahilig kang makisabay sa mga late enrollees… tapos magmamaka-awa sa sa prof na iaccept ka sa klase niya
  64. 20 pesos lang kasya na pang lunch at may libre pang soup
  65. Kung nakainom ka na ng blue at red iced tea.
  66. Kung ang kabisado mo lang sa PUP HYMN ay… “…PUP pinagpala”.
  67. Dala parati ang REGI! (kahit minsan gula-gulanit na)
  68. Dumadaan ka palagi sa dome nung first year ka
  69. Kapag naranasan mung pumasok sa skul na parang nakaPAMBAHAY lng :)
  70. Naging bahagi ka ng petition class
  71. Naholdap ang sakay mong patok na jeep sa gabi
  72. Nakapag-renta ka ng computer sa Teresa para gumawa ng assignment
  73. Piso per print sa Teresa
  74. Nakapagpa-print ka ng pictures with different sizes
  75. Ramdam na ang Pasko kapag naka-display na ang Belen
  76. Nakakain ka na sa Garden, Wowowee at Badingan Tapsilogan :)
  77. Kumokopya sa classmate during exam, especially in Math subjects 
  78. Mayroon kang scientific calculator
  79. Natikman mo na ang SINGKO o kaya WITHDRAW
  80. Nagbabasa ka ng “The Catalyst”
  81. Overnight sa bahay ng classmate para gumawa ng Thesis o anumang group homework
  82. Kumakain ng kwek-kwek sa tabi ng basketball court ng Tersa bago umuwi
  83. Kung hindi SM Centerpoint ang tambayan..doon kayo sa SM Manila ng barkada mo
  84. Nakapanood ka/kayo ng 16 pesos movie sa SM Centerpoint
  85. Batch 2006-2010, Kilala nio si Dr. Dante Guevarra
  86. Nagche-cheer ka sa section mo habang may laro sa College Week
  87. Bumili ka ng PUP jogging pants at Tshirt
Sa lahat ng nagbasa , sana’y napangiti ko kayo. Maaari rin kayong magbigay ng ibang pang bagay na nagpapakilala sa pagiging Certified PUPian at aking idadagdag sa blog entry na to. Maraming Salamat!


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento