"Naalala ko pa noon kasalukuyang kaming nakasakay sa bangka
nang humulagpos ang isa kong tsinelas.
Ang tsinelas ay ang gamit namin sa pagpasok at
pagpunta sa mga lakaran kung saan ang bakya na gawa
sa kahoy ay hindi nararapat.
Mabilis itong inanod sa tubig bago ko nahabol para kunin.
Malungkot ako dahil iniisip ko ang aking ina na magagalit
dahil sa pagkawala ng aking tsinelas.
Tiningnan ako ng nagsasagwan nang kinuha ko ang aking
isa pang tsinelas at dali dali kong itinapon sa dagat,
kasama ang dasal na mahabol nito ang kapares na tsinelas.
"Bakit mo itinapon ang iyong isa pang tsinelas?"
tanong sa akin ng kasamahan ko sa bangka.
"Isang tsinelas ang nawala sa akin at walang silbi
sa makakakita. Ang isang tsinelas na nasa
akin ay wala ring silbi sa akin.
Kung sino man ang makakuha ng pares ng tsinelas ay magagamit niya
ito sa kaniyang paglakad.
Napatingin ulit sa akin ang mama.
Marahil naunawaan niya ang isang batang katulad ko."
- From an Anecdote about the boy Jose Rizal
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento